The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Monday, July 31, 2006

BV dahil sa BS. [edit]

Tapos na ang July. :) Ibig sabihin, oras na para magpalit ng lay-out!

*magic wand swish-swishes*

---------------

Tangina. Ang dami-daming nangyayari dahil wala ako sa Pilipinas. Gusto ko na talaga umuwi.

Hindi ko na nababantayan ang mga kaibigan ko. Nagugulat na lang ako sa mga balita nila sa'kin.
I can't help but feel that if I were there, these awful things wouldn't have happened. So maybe it would have, but at least I would be there for them.

This stinks.
"I said I would never let anything happen to him."
~Marlin from Finding Nemo
Dory said it's a stupid thing to promise. But what Marlin should have said in his defense was he meant he would never let anything bad happen to Nemo.

Right now, I feel like I have let my friends down. I feel terrible because I'm here, so very far away from the people I love the most and worst of all, I am absolutely powerless to stop the evil I said I would never let near them.

Walang flipside. Just these horrible news of... bullshit happening.


Lord, please, gusto ko na po umuwi. Sa birthday ko, pwede bang gawin mong posible yun?

---------------

Lyrics sa bago kong kanta [a.k.a. yung kinakanta ko sa shower kanina habang nagbibihis]. I think I'll call it...

Fort Santiago ©
We walked with history behind us
And the future ahead of us
But all that really mattered
Was your hand in mine...


Basta ganun.

Labels: , ,


kitten posted @ 10:38 AM |

Friday, July 28, 2006

Confirmed idiot.

I put on my favorite cd on the player. I knew our song would be there, but so what? I like those songs. This is America. I can do what I want.

And then there it was in the air. The song I sang to you. Not often, yes, because I feared it would lose its meaning. And I was right too. The meaning is still very much alive today. I couldn't help but think about you. That song just reminds me of everything we had...everything we could have had.

I stared at the phone. Maybe just one call. It won't hurt. And if I chicken out, I can just hang up. Yes. That's what I'll do. I dialed the number and closed my eyes. What the f*ck am I doing? I let it ring twice and then I hung up.

I couldn't breathe. Maybe I'll try again. They won't know it was me who called before. No! I won't. I said I'd call once, and I have. That's the end of it. Still...

I stared at the phone. My cousin snapped at me. I have better things to do. And besides, the people in the Philippines are sleeping at this hour.

I picked up the phone and started to dial again. *ringing* This time I won't hang up. I'd just say I called to say hi since we haven't spoken for a long time. Yeah. That's what I'll say.

Somebody picked up. I strained to listen to it...

"The long distance provider you are trying to reach is unavailable..."

I am such an idiot.

---------------

Peste ang America. As in pucha talaga. Masakit pa dun, peste ang mga Pilipinong nandirito na.

Shit naman. Alam niyo bang wala pang trabaho ang nanay ko? Oo, wala pa siyang trabaho. Kami ng tatay ang bumubuhay sa pamilya namin ngayon. Kung hindi nga lang kami nakatira sa bahay ng lola ko, malamang sa kanto na kami nakatira ngayon.

Kanina, pumunta siya sa St. Anne o kung anu man yung pangalan nung lintik na hospital na yun. Basta, gumising siya ng maaga para mag-ayos kasi may follow-up interview siya. Bihis na bihis siya, at kahit na purdoy na purdoy na kami ngayon, di mo makita sa postura niya.

Ate, kita ba yung band aid? tanung niya sa akin. Namaltos na kasi ang mga paa niya sa kalalakad para makahanap ng trabaho. Wala kasi kaming kotse, kaya nilalakad niya lang ang mga hintuan ng bus at sakayan ng tren.

Hindi. Sabi ko naman, sabay ngiti.

Hindi kaya matatanggal ito? Baka matanggal pag naglakad na ako ng malayo? tanong niya naman sa'kin.

Hindi yan. Kung gusto mo lagyan mo ng Invisible Tape. Diba ganun ginawa mo dati? sagot ko sa kaniya.

Hindi pwede ate eh. sabi niya sa'kin habang tinatanggal ang tape. Bakas sa mga mata niya na nag-aalala siya.

Hayaan mo na. Di matatanggal yung band aid.

Sige ate. Alis na ako. Pagdasal mo ako ha?

Opo.

Dasal at tiwala sa Panginoon na lang ang nagpapatakbo sa nanay ko. Ayaw na niya maghanap ng trabaho, pero sige parin ng sige. God will provide.

Nakikinig ako ng music ng biglang nagring ang telepono namin.

Hello?

Ate, si Mommy ito.

Oh, bakit?

Dalhan mo naman ako ng tsinelas. Masakit na ang mga paa ko. Sige na please.

Nasaan ka ba?

Papauwi na ako. Hintayin mo na lang ako sa ng Pershing Field, dun mismo sa tapat ng simbahan. Dun sa may babaan ng bus galing Hoboken. Yung 87?

O sige, sige, gagayak na ako.

Nagmamadali pa akong naligo. Natatawa-tawa pa nga ako kasi nagpapadala siya ng tsinelas. Manong maglakad na lang tutal nasa kanto lang naman ng street namin yung Pershing Field. Nanay ko talaga, sa isip-isip ko, prinsesa talaga.

Pag dating ko sa may kanto, nakita ko ang nanay kong nakasandal sa may dingding ng park, dun sa may lilim. Nakangiti pa ako kasi nga para siyang tanga, di na lang maglakad, ang lapit-lapit lang naman ng bahay namin.

Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito?

Sorry. Nagmamadali na nga ako nun eh. sabay ngiti.

Tapos nagkuwento na siya. Kinwento niya sa'kin si Ate Lillian, na nagpupursiging ipasok siya sa hospital. Kinwento niya sa'kin ang nangyaring pag lay-off ng Christ Hospital (sa may likuran ng bahay namin) ng daan-daang empleyado. Kinwento niya sakin yung bading sa may ICU na sabi sa kaniya,
Pumunta ka kay Ate Lillian pagkatapos mo ah? kasi ang bait-bait daw. Kinwento niya sa'kin na maraming Pilipino dun kanina, lahat naghahanap ng trabaho. Kinwento niya sa'kin na nung tinanong siya kung bakit niya gusto yung trabaho ang sagot niya ay Frankly sir, I really need the job. Kinwento niya sa'kin na pagkatapos nun wala na silang maitanong sa kaniya. Kinwento niya sa'kin na karamihan sa mga nandun may padrino... Padrino. Kinwento niya sa'kin na bago siya umuwi, kinausap siya ulit ni Ate Lillian at sinabing Alam mo, marami kayong iniinterview para sa trabaho na yun... Pag di ka natanggap sa iba na lang kita ipapasok... Hindi naman maganda dito eh, sa Marriott, maganda... Kinwento niya sa'kin na nung sinabi daw ni Ate Lillian yun, alam na niya... Tapos pinakita niya sakin yung paa niya.

Shit. Literal na patong-patong na paltos. Pucha. Kung di lang nakakahiya sa nanay ko , pipiktsuran ko yun para makita niyo kung anung hitsura ng paa niya ngayon. Kaya pala ni niya na pinilit lakarin ang bahay namin...

Wala akong nasabi. Hindi ko na siya matingnan sa mata.

Pucha naman kasi. Nasayang yung pagod niya, yung oras niya dahil sa isang trabahong di rin naman niya pala makukuha dahil wala siyang padrino. Lintek na padrino yan. Lintek talaga. Sino bang nag-imbento niyan? Mabangasan nga. Pucha ah.

Naaawa ako sa nanay ko. Kasi paano naman yung pride niya?

Matagal din kaming tahimik. Tapos sabi niya,
Uuwi na ako. Baka dito pa tayo sa Pershing Field mag-iyakan. Kitang-kita sa mga mata niya na nadisappoint siya. Gusto niya pala talaga makuha yung trabaho na yun...

Inakap ko siya. Yun lang ang kaya kong gawin eh.

Naiinis ako. Pumunta kami dito na ang pinanghahawakan lang ay pangako ng magandang bukas pero nasaan ang bukas na iyon? Oo, mahirap talaga mag-umpisa, alam namin yun, pero naman... Tangina eh. Wala namang ganyanan. Pahirapan mo na ang tatay ko sa trabaho niya. Pahirapan mo na ako sa trabaho ko. Pero wag naman yung nanay ko.
As if leaving behind everything she knew and grew up on wasn't a hard enough blow...

I want to go home. I miss the Philippines. And I can't bear to see my mom like this. I want to go home. I want to go home. I want to go home... :'(

Labels: , ,


kitten posted @ 2:05 PM |

Wednesday, July 26, 2006

sa birthday ko...

Click me.

Simple lang. Walang shmree-shmree na hindi ko naman kailangan.


Ah, self-indulgence and vanity! You are great friends.

---------------

Nakakamiss mag-banda. Making music is no fun when you're all by yourself.

Labels: ,


kitten posted @ 12:58 PM |

Tuesday, July 25, 2006

Somebody?

Nagtitingin ako nga mga tao sa Multiply. Tapos merong isang babae, pareho namin trip yung The Fray. Akalain mo yun. Pero di yun yung point. Nagtingin-tingin ako sa site niya. Stalker mode na ako.

Wala lang... Ayun. Freaky. Nakikita ko yung sarili ko sakanya.

Or baka imagination ko lang yun...


---------------

In the words of Depeche Mode:

"I want somebody to share, share the rest of my life, share my innermost thoughts, know my intimate details. Someone who'll stand by my side and give me support, and in return she'll get my support. She will listen to me when I want to speak about the world we live in and life in general. Though my views may be wrong, they may even be perverted, she'll hear me out and won't easily be converted to my way of thinking. In fact, she'll often disagree. But at the end of it all, she will understand me.

I want somebody who cares for me passionately, with every thought and with every breath. Someone who'll help me see things in a different light. All the things I detest, I would almost like.

I don't want to be tied to anyone's strings. I'm carefully trying to stay clear of those things. But when I'm asleep. I want somebody who will put her arms around me and kiss me tenderly.

It's things like this that make me sick. But in a case like this, I'll get away with it..."

Kahapon, sinipra ko yan. Hindi ko maexplain kung bakit ko ginawa. Basta alam ko, for the moment, yan ang kanta ko.

Sabi ni Daddy, nung tinutugtog ko, inspired. Dinig na dinig daw sa pagkatugtog.


*sigh* This too shall pass.

Labels: , ,


kitten posted @ 11:50 AM |

Monday, July 24, 2006

Groovy, baby.

Wala lang... Nagpapakasenti ako. Ang masasabi ko lang, peste ang 80s. I hate the 80s kasi lahat ng tugtog pag narinig mo parang gusto mo nang magbigti dahil sa lungkot.

Pero di parin mapagkakaila na maganda talaga. Yung tipong napapahinto ka sa ginagawa mo... Kaya nga imbis na iba ang ginagawa ko, naka-upo ako dito sa PC at nakikinig sa tugtog.


Can't help but agree when you hear words like
"But when I'm asleep I want somebody who will put her arms around me and kiss me tenderly..."
and
"I would give everything I own just to have you back again..."

Can relate ka ba? :P

---------------

Nagbabasa ako ng blog ni Domengmeng kanina. Yung pinaka-huling entry niya tungkol sa SONA. Haynaku. SONA.

Ngayong iniisip ko, masaya ako at hindi ko na kelangan pakinggan yang SONA na yan and/or gumawa ng paper tungkol sa mga pambobolang ginawa niya.

Haynaku, SONA. Peste. Pero nalulungkot din ako kasi hindi ko napakinggan. Kahit papano, gusto ko malamang kung anu na yung mga "accomplishments" niya so far. Kahit na ba lies, masaya parin makinig, tipong may papoing-point pa ng fingers sabay hagalpak, o di naman kaya ay maki-rally sa may Batasang Pambansa.

Hay SONA.
How I miss you. Whoops. Scary. :P

PS
"Salamat sa Sambayan .... for supporting anarchy instead of harmony."
Tama ba yun? Anarchy naman pala kasi eh... *sniggers* Pero kahit na mali pa ang word na nasabi niya, tipong ang gusto pala niyang word na gamitin ay monarchy, mali parin. Wala. Palpak talaga. Binabasa na yan ah...

--------------

Nakita niyo ba yung nanalo ng Miss Universe? Ayus. Kamukha ni...

Sana Japan na lang... Kaya lang mali sagot sa final question kaya di nanalo. Dapat kasi sa French or Spanish na lang siya tinanong, baka sakaling naintindihan pa niya yung tanong. Sayang. Maganda nga di naman makaintindi ng simpleng tanong. Or baka kinakabahan lang. Ewan. Ganda pa naman niya. Lamang ng isang milyong paligo kay Miss Puerto Rico. Takte yan. Napuyat-puyat pa ako. Sabi nga ng kapatid ko, sana yung Miss Universe 2005 na lang ulit yung nanalo kasi meron shang "genuine beauty".

Wait. Di ka ya bading yung kapatid ko? May genuine-genuine beauty pang nalalaman?! Haha. Hindi. *big voice* Macho yun. LOL.

---------------

You make my heart melt. You always have...

Kaya lang... Kaya lang may kaya lang... Scratch that... Maraming kaya lang...

Eto nanaman ako... Di na natuto... :(

Labels: , ,


kitten posted @ 11:08 AM |

Friday, July 21, 2006

^

Wala lang. Malapit na ang birthday ko... :) Wee. :)

Memories. :)

---------------

My cousins are learning Filipino. Yey.

My family said I might not be the right person to be teaching them Filipino. Boo.

Malapit na birthday ko. Yey.

Miss ko na mga kaibigan ko. Boo.

Ah. Kakapagod ang buhay.

Labels: ,


kitten posted @ 8:20 PM |

Thursday, July 20, 2006

!

Parang di ba ako Pilipino?

---------------

Sa birthday, simple lang ang gusto kong regalo: Nakaka-miss Pinas.

PS I need to move out.

Labels: ,


kitten posted @ 1:01 PM |

Friday, July 14, 2006

From Playing Monopoly

These are the times I am reminded that I'm weird.

Yesterday, my family and I were playing Monopoly. (I don't even want to know how that sounded like.) And I, having seen the effect of poverty in the Philippines, kept on shouting "Equity! Equity!". I struggled to create equity among the players (even if it would defeat the whole point of the game). I sold and bought what I had to. Kaya lang yung peste kong nanay at bunsong kapatid, ayaw ng equity. Monopoly nga daw eh. Ang nangyari tuloy, hindi nag-balance yung finances ko, and I had to declare myself bankrupt. :(

So here's what I learned: Equity is an uphill battle when some of the parties involved do not want equity. Kaya malamang-lamang lang, ang Pilipinas habang buhay na maghihirap. Masaklap, pero totoo.It's because of no-good capitalists that the Philippines is where it is in the first place. Sa tingin niyo ba tatalikuran nila yung prinsipyong nagpayaman sa kanila?

Pero shempre, kelangan merong benefit of the doubt. Kaya... I know a lot of the bright people still in the Philippines (Meaning those who didn't desert it like I did. *gulp*) have enough will to do something about our country's multifaceted situation. Equity might be an uphill battle, but that doesn't mean it can't be won.

Equity! Equity!

Labels: ,


kitten posted @ 1:40 PM |

Wednesday, July 12, 2006

36 days... *wide grin*

Malapit na birthday ko. Yey.

---------------

Gusto ko na magtrabaho. Inip na inip na ako eh.

Labels:


kitten posted @ 10:43 AM |

Monday, July 10, 2006

*

The World Cup came to a finish and I wept.

I am such a sissy.

But can I help it when Italy won (Yey!) and Where Streets Have No Name by U2 starts to play in the background while snippets of their previous (and oh so marvelous) games are shown? No. The beauty of it is just too much.

---------------

Ang bilis ng panahon... Isipin mong limang buwan na akong nandito. Parang kadarating-dating ko pa lang ah.

Ambilis. Baka di ko mamalayan, sampung taon na pala akong nandito. Baka magulat na lang ako dahil lahat ay nagbago na sa mahal kong Pilipinas na... na...


Kapag iniisip mo yung oras at panahon, akala mo ang haba-haba, akala mo ang tagal-tagal. Yun pala hindi.

O baka naman ako lang yun. Palibhasa kasi wala ako sa sarili ko parati. Sabi ng nanay ko, iniwan ko daw kasi ang puso't kaluluwa ko sa Pilipinas. Siguro nga. Napilitan lang naman ako pumunta dito eh. Kaya kung iniwan ko nga ang puso't kaluluwa ko sa Pilipinas, aba'y magaling! Ang mahalaga'y alam ko na buhay pa ang bahagi na iyon ng aking pagka-tao.

Andrama. Pero totoo.

Ambilis ng panahon. Tapos ako, eto, sunod sa agos.

Labels: , ,


kitten posted @ 1:04 PM |

Thursday, July 06, 2006

!

I was breathing heavily. I felt my pulse quicken. I closed my eyes and reveled at the moment. I haven't felt like this in a while.

It was as if I had been stripped off everything except my heart and lungs. I couldn't breathe but I could hear the thump-thumping of my heart in my ears. I felt like I was about to die and yet I was still so very much alive. Ah, the irony of it all!

Tears rolled down my eyes because of the excruciating pain. I choked as I felt life being squeezed out of me...


I woke up today realizing that I had slept. And now I am awake.

Life in all its glory. That's what it is. Life in all its glory.

Labels:


kitten posted @ 1:12 PM |

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats