The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Tuesday, April 03, 2007

Bitter

Nakasakay ako sa bus pauwi. Nung huminto yung bus sa susunod na hintuan, may babaeng nakatayo, tapos parang nakikilala ko siya.

Lumundag ang puso ko. Nanghaba ang leeg ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Si Candy ba yun?

Bigla kong naisip na hindi ako naka-ayos. Magulo ang buhok ko. Amoy palabok ako at empanada ako. At, OMG, ang suot ko. Hindi ako naka-bihis ng maayos!

Pag sakay niya ng bus, nakita ko yung mukha niya. Hindi pala siya si Candy. Kamukha lang. As in sobraaa. Pareho sila ng buhok, ng katawan, ng mata, ng ilong.

Di ko napigilan ang sarili ko na titigan siya. Di ko rin napigilan na panuorin siya habang nakikipag-usap siya sa telepono niya. Napapangiti na lang nga ako sa kaniya eh. Pati ba naman kasi punto ni Candy kuhang-kuha niya.

So ano naman ngayon diba? Bakit kelangan isulat ko pa siya dito?

Wala. Namimiss ko na rin kasi si Candy. Pero, ang priiiide. Mm. Ang pride.

Magsama sila ng boyfriend niya. Walangya. Magsama silaaaaa! Magpakasal na sila at magkaanak. I don't caaaaare!

Haha.


Bitter.

Labels:


kitten posted @ 10:33 PM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats