The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Monday, July 24, 2006

Groovy, baby.

Wala lang... Nagpapakasenti ako. Ang masasabi ko lang, peste ang 80s. I hate the 80s kasi lahat ng tugtog pag narinig mo parang gusto mo nang magbigti dahil sa lungkot.

Pero di parin mapagkakaila na maganda talaga. Yung tipong napapahinto ka sa ginagawa mo... Kaya nga imbis na iba ang ginagawa ko, naka-upo ako dito sa PC at nakikinig sa tugtog.


Can't help but agree when you hear words like
"But when I'm asleep I want somebody who will put her arms around me and kiss me tenderly..."
and
"I would give everything I own just to have you back again..."

Can relate ka ba? :P

---------------

Nagbabasa ako ng blog ni Domengmeng kanina. Yung pinaka-huling entry niya tungkol sa SONA. Haynaku. SONA.

Ngayong iniisip ko, masaya ako at hindi ko na kelangan pakinggan yang SONA na yan and/or gumawa ng paper tungkol sa mga pambobolang ginawa niya.

Haynaku, SONA. Peste. Pero nalulungkot din ako kasi hindi ko napakinggan. Kahit papano, gusto ko malamang kung anu na yung mga "accomplishments" niya so far. Kahit na ba lies, masaya parin makinig, tipong may papoing-point pa ng fingers sabay hagalpak, o di naman kaya ay maki-rally sa may Batasang Pambansa.

Hay SONA.
How I miss you. Whoops. Scary. :P

PS
"Salamat sa Sambayan .... for supporting anarchy instead of harmony."
Tama ba yun? Anarchy naman pala kasi eh... *sniggers* Pero kahit na mali pa ang word na nasabi niya, tipong ang gusto pala niyang word na gamitin ay monarchy, mali parin. Wala. Palpak talaga. Binabasa na yan ah...

--------------

Nakita niyo ba yung nanalo ng Miss Universe? Ayus. Kamukha ni...

Sana Japan na lang... Kaya lang mali sagot sa final question kaya di nanalo. Dapat kasi sa French or Spanish na lang siya tinanong, baka sakaling naintindihan pa niya yung tanong. Sayang. Maganda nga di naman makaintindi ng simpleng tanong. Or baka kinakabahan lang. Ewan. Ganda pa naman niya. Lamang ng isang milyong paligo kay Miss Puerto Rico. Takte yan. Napuyat-puyat pa ako. Sabi nga ng kapatid ko, sana yung Miss Universe 2005 na lang ulit yung nanalo kasi meron shang "genuine beauty".

Wait. Di ka ya bading yung kapatid ko? May genuine-genuine beauty pang nalalaman?! Haha. Hindi. *big voice* Macho yun. LOL.

---------------

You make my heart melt. You always have...

Kaya lang... Kaya lang may kaya lang... Scratch that... Maraming kaya lang...

Eto nanaman ako... Di na natuto... :(

Labels: , ,


kitten posted @ 11:08 AM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats