The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Friday, July 28, 2006

Confirmed idiot.

I put on my favorite cd on the player. I knew our song would be there, but so what? I like those songs. This is America. I can do what I want.

And then there it was in the air. The song I sang to you. Not often, yes, because I feared it would lose its meaning. And I was right too. The meaning is still very much alive today. I couldn't help but think about you. That song just reminds me of everything we had...everything we could have had.

I stared at the phone. Maybe just one call. It won't hurt. And if I chicken out, I can just hang up. Yes. That's what I'll do. I dialed the number and closed my eyes. What the f*ck am I doing? I let it ring twice and then I hung up.

I couldn't breathe. Maybe I'll try again. They won't know it was me who called before. No! I won't. I said I'd call once, and I have. That's the end of it. Still...

I stared at the phone. My cousin snapped at me. I have better things to do. And besides, the people in the Philippines are sleeping at this hour.

I picked up the phone and started to dial again. *ringing* This time I won't hang up. I'd just say I called to say hi since we haven't spoken for a long time. Yeah. That's what I'll say.

Somebody picked up. I strained to listen to it...

"The long distance provider you are trying to reach is unavailable..."

I am such an idiot.

---------------

Peste ang America. As in pucha talaga. Masakit pa dun, peste ang mga Pilipinong nandirito na.

Shit naman. Alam niyo bang wala pang trabaho ang nanay ko? Oo, wala pa siyang trabaho. Kami ng tatay ang bumubuhay sa pamilya namin ngayon. Kung hindi nga lang kami nakatira sa bahay ng lola ko, malamang sa kanto na kami nakatira ngayon.

Kanina, pumunta siya sa St. Anne o kung anu man yung pangalan nung lintik na hospital na yun. Basta, gumising siya ng maaga para mag-ayos kasi may follow-up interview siya. Bihis na bihis siya, at kahit na purdoy na purdoy na kami ngayon, di mo makita sa postura niya.

Ate, kita ba yung band aid? tanung niya sa akin. Namaltos na kasi ang mga paa niya sa kalalakad para makahanap ng trabaho. Wala kasi kaming kotse, kaya nilalakad niya lang ang mga hintuan ng bus at sakayan ng tren.

Hindi. Sabi ko naman, sabay ngiti.

Hindi kaya matatanggal ito? Baka matanggal pag naglakad na ako ng malayo? tanong niya naman sa'kin.

Hindi yan. Kung gusto mo lagyan mo ng Invisible Tape. Diba ganun ginawa mo dati? sagot ko sa kaniya.

Hindi pwede ate eh. sabi niya sa'kin habang tinatanggal ang tape. Bakas sa mga mata niya na nag-aalala siya.

Hayaan mo na. Di matatanggal yung band aid.

Sige ate. Alis na ako. Pagdasal mo ako ha?

Opo.

Dasal at tiwala sa Panginoon na lang ang nagpapatakbo sa nanay ko. Ayaw na niya maghanap ng trabaho, pero sige parin ng sige. God will provide.

Nakikinig ako ng music ng biglang nagring ang telepono namin.

Hello?

Ate, si Mommy ito.

Oh, bakit?

Dalhan mo naman ako ng tsinelas. Masakit na ang mga paa ko. Sige na please.

Nasaan ka ba?

Papauwi na ako. Hintayin mo na lang ako sa ng Pershing Field, dun mismo sa tapat ng simbahan. Dun sa may babaan ng bus galing Hoboken. Yung 87?

O sige, sige, gagayak na ako.

Nagmamadali pa akong naligo. Natatawa-tawa pa nga ako kasi nagpapadala siya ng tsinelas. Manong maglakad na lang tutal nasa kanto lang naman ng street namin yung Pershing Field. Nanay ko talaga, sa isip-isip ko, prinsesa talaga.

Pag dating ko sa may kanto, nakita ko ang nanay kong nakasandal sa may dingding ng park, dun sa may lilim. Nakangiti pa ako kasi nga para siyang tanga, di na lang maglakad, ang lapit-lapit lang naman ng bahay namin.

Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito?

Sorry. Nagmamadali na nga ako nun eh. sabay ngiti.

Tapos nagkuwento na siya. Kinwento niya sa'kin si Ate Lillian, na nagpupursiging ipasok siya sa hospital. Kinwento niya sa'kin ang nangyaring pag lay-off ng Christ Hospital (sa may likuran ng bahay namin) ng daan-daang empleyado. Kinwento niya sakin yung bading sa may ICU na sabi sa kaniya,
Pumunta ka kay Ate Lillian pagkatapos mo ah? kasi ang bait-bait daw. Kinwento niya sa'kin na maraming Pilipino dun kanina, lahat naghahanap ng trabaho. Kinwento niya sa'kin na nung tinanong siya kung bakit niya gusto yung trabaho ang sagot niya ay Frankly sir, I really need the job. Kinwento niya sa'kin na pagkatapos nun wala na silang maitanong sa kaniya. Kinwento niya sa'kin na karamihan sa mga nandun may padrino... Padrino. Kinwento niya sa'kin na bago siya umuwi, kinausap siya ulit ni Ate Lillian at sinabing Alam mo, marami kayong iniinterview para sa trabaho na yun... Pag di ka natanggap sa iba na lang kita ipapasok... Hindi naman maganda dito eh, sa Marriott, maganda... Kinwento niya sa'kin na nung sinabi daw ni Ate Lillian yun, alam na niya... Tapos pinakita niya sakin yung paa niya.

Shit. Literal na patong-patong na paltos. Pucha. Kung di lang nakakahiya sa nanay ko , pipiktsuran ko yun para makita niyo kung anung hitsura ng paa niya ngayon. Kaya pala ni niya na pinilit lakarin ang bahay namin...

Wala akong nasabi. Hindi ko na siya matingnan sa mata.

Pucha naman kasi. Nasayang yung pagod niya, yung oras niya dahil sa isang trabahong di rin naman niya pala makukuha dahil wala siyang padrino. Lintek na padrino yan. Lintek talaga. Sino bang nag-imbento niyan? Mabangasan nga. Pucha ah.

Naaawa ako sa nanay ko. Kasi paano naman yung pride niya?

Matagal din kaming tahimik. Tapos sabi niya,
Uuwi na ako. Baka dito pa tayo sa Pershing Field mag-iyakan. Kitang-kita sa mga mata niya na nadisappoint siya. Gusto niya pala talaga makuha yung trabaho na yun...

Inakap ko siya. Yun lang ang kaya kong gawin eh.

Naiinis ako. Pumunta kami dito na ang pinanghahawakan lang ay pangako ng magandang bukas pero nasaan ang bukas na iyon? Oo, mahirap talaga mag-umpisa, alam namin yun, pero naman... Tangina eh. Wala namang ganyanan. Pahirapan mo na ang tatay ko sa trabaho niya. Pahirapan mo na ako sa trabaho ko. Pero wag naman yung nanay ko.
As if leaving behind everything she knew and grew up on wasn't a hard enough blow...

I want to go home. I miss the Philippines. And I can't bear to see my mom like this. I want to go home. I want to go home. I want to go home... :'(

Labels: , ,


kitten posted @ 2:05 PM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats