The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Tuesday, December 11, 2007

Kitten-ini doing Kundalini

First time ko mag-Kundalini yoga kanina. [Hindi ako pumasok sa school para maka-attend nung class. Libre eh. Hehe.] OMG. Ang saya. Ibang-iba nga lang siya sa Power Yoga kaya medyo nagulantang ako sa mga pinaggagawa namin. Pero okay lang. Masaya paren.

Yun nga lang nung naka-invert kami kanina, sinabi nung instructor "This is very good for depression." Natawa ako, as in yung talagang di ko napigilan, kaya, ayun, pinagtinginan ako ng mga tao kasi siguro andun sila kasi depressed sila. Eto pa, dalawang beses niya sinabi yun sa buong sequence, so alam mo yun, dalawang beses ako natawa. Nakakahiya kasi alam mo yun, biglang nanlalambot yung braso ko, natutumba ako, ganyan, tapos nawawala yung katahimikan. Eh kasi. Wag na sabihin sa mga tao na invertions are good for depression. We already know that!

Pero after having tried it, I think Kundalini is not for me. Masaya siya. Alam mo yun, di mo mapipigilan yung sarili mo matuwa sa mga pinaggagawa mo [Di rin maiiwasan mahilo lalo na nung nandun na kami sa last rite [it's not a pose kasi moving eh] kasi paikot-ikot kami sa isang spot, clockwise then counterclockwise, pero okay lang, sabi naman eh "If you feel dizzy or lightheaded, feel free to stop." Ang di ko lang maintindihan eh kung bakit gagawa sila ng rite na nakakahilo. ANYWAY.]. Tsaka very intense yung meditation. Ang ayoko lang talaga ay repetitive siya to the nth level. Alam mo yun, repetitive din naman yung ibang yoga styles, pero eto repetitive infitity.

Pero nag-enjoy ako. Lalo na nung sinasabi "Be healed as you ought to be," tsaka "Project for world peace." Hanep. Wichelles naman ganun sa iba eh. Basta mga lengthen your spine, open your chest, feel the strength of your muscles ever lang. Hmp. Hehe. Nagalit daw ba.

PS I kept thinking na maybe I should get my mom to do Kundalini, kaya lang, alam mo yun, the moment she hears yoga sasabihin nun "Transcendental meditation!" like it's a bad thing. And like prayer isn't transcendental meditation. Grrr.

Labels:


kitten posted @ 12:06 PM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats