Wednesday, June 20, 2007
Yielding
I am yielding. My pursuit has ended, but my love has not.
Ngayong araw na ito, pumasok ako sa trabaho na isa lang ang nasa isip: Ngayon ang araw na makikilala ko ang dakilang boyfriend ni Candy.
Pag pasok ko ng trabaho, sinabi ko kaagad kay Emilee na meron akong ipapakilala sa kaniya na naghahanap ng trabaho sa tindahan. Tinanong lang niya kung kakilala ko. Sabi ko na lang oo kahit hindi. Sabi kaagad ni Emilee, walang pag-aalinlangan kahit konti, na tanggap na kung sino man yun. Sabi ko na lang, ipapakilala ko muna, tapos saka na lang siya magdecide kung tatanggapin niya or hindi.
Gumagawa ako ng halo-halo noon nang biglang sinabi sa'kin ni Frank na may naghahanap sa'kin. Tinanong ko kung sino. Napahiya pa ako ng ituro niya sa'kin yung isang lalaking nakatayo sa harap nung gawaan ng halo-halo. Tinapos ko yung ginagawa ko kaagad.
Naghugas lang ako ng kamay. Nilapitan ko ang lalaki at tinanong How can I help you? Yun kasi ang nakasanayan ko ng itanong sa mga customer ko. Ang sagot niya sa'kin, di ko malilimutan, I'm Phil.
Natatawa ako kapag naaalala ko. Ang tanga ko. Shet.
Oh. Oh! I'm sorry. Hi, I'm Kitten. sabi ko na lang.
Inabot ko ang kamay ko sa kaniya. Gusto ko sanang makipagkamay. Kinuha naman niya ang kamay ko, kaso nga lang, di ko naibigan yung pagkamay niya sa'kin. It was weak. It was the handshake of a person with very little character.
Ang una kong tanong: Do you have your resumer with you?
Yes, sabi niya, sabay abot ng resume niyang naka tiklop.
Kinainisan ko yun, sa totoo lang. Alam ko retail position lang ang gusto niya, pero sana man lang bigyan niya ng paggalang yung magbabasa ng resume niya. Sana man lang pinanatili niya itong maayos. Pero hindi. Tinupi niya.
Hawak ko ang resume niya sa mga kamay ko at dinadaanan ng mga mata ko yung mga titik, mga salita, pero hindi ko maintindihan yung nakasulat. Hindi magawa ng utak kong bumuo ng diwa sa mga nakita ko kaya tinanong ko na lang siya Are you looking for a full time or part time job?
Well, I am working somewhere else where I'm a barista.
Nang marinig ko ang salitang barista, inisip ko kaagad Starbucks! Hinanap ko sa resume niya. Wala namang Starbucks.
Are you available to work on the weekends?
Yes.
Good. The store's really busy during the weekend and we need as many people as we can to come in then.
Biglang dumaan nun si Mai.
Mai! Mai! Mai! Si Phil. Boyfriend ni Candy.
Oooh. sabi lang ni Mai.
Pagkatapos nun, pinakilala ko na siya kay Emilee. Umupo sila, nagusap ng matagal.
Habang nag-uusap sila, eto ang mga naisip ko:
(1) Gwapo siya.
(2) Matalino siya. Di niya nakalimutang ilagay sa resume niya ang GPA niya and mejo napahiya lang naman ako.
(3) Mabait siya. Mahiyain, pero mabait. Mabait.
Nagulat na lang ako bigla nung mapansin kong wala na sila sa kinauupuan nila! Umuwi na siya? Tapos na ang interview? I guess I got lost in my thoughts for quite a long time.
Salita ng salita si Emilee tungkol sa kaniya. Kesho ganito kesho ganiyan. Hindi pupumasok sa isip ko yung mga sinasabi niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung papasok siya sa tindahan. Nung sinabi ni Emilee na bukas ay pagfi-fill up ko si Phil ng hiring paperwork, wala na lang akong nasabi. Magtatrabaho na siya sa tindahan.
Sabi ni Kuya Eric, ang mga tulad ko daw binabaril sa Luneta. Siguro nga. Mas mabuti pa nga sigurong barilin na lang ako sa Luneta ng matapos na ang lahat lahat nang ito.
I hate how I love her. And I hate how, in those few minutes, I knew he loved her too.
kitten posted @ 11:32 PM