Sunday, August 28, 2005
the UNTHINKABLE.
Kagabi na siguro ang pinaka... Pinaka-lahat.
Pag may inuman talaga, meron at merong matatamaan.
Natamaan si Sunshine. Haha. Eh ano lang ba ang ininom niya? Dalawang SML. Hina... Pero ayun. Sabi ko, wala ka pala eh, dalawa lang may tama ka na. Sabay banat ba naman ng "Pag malungkot ka, mas madali kang matamaan." Ah, shusme.
Hinawakan niya nanaman yung kamay ko. At ipinatong nanaman niya yung ulo niya sa balikat ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao noon. At musta naman ang pagtitig ng nanay at tatay ko?! Papano ba namang hindi sila titingin eh... ayun. May laman nga kasi. Pero wala kaming paki alam nun... Sabi pa niya "Tinitingnan ako ng mga magulang mo. Inaalam siguro kung sino ako, pero wala akong pakialam." Hinahawakan niya yung mukha ko at nagsosorry... Tapos nagpapahug and nagpapakiss... Ako naman si hug... pero di ko siya kinikiss. Kasi ayoko yung fact na uminom siya...
Gusto ko na siyang umalis nun. Ayokong makasama siya dahil may tama siya. Wala siya sa sarili niya. Gusto ko lahat ng mangyayari sa'min, lahat ng sasabihin niya sa'kin, maaalala niya. Para... basta. Mahirap na. Tas sabi niya "Bakit mo ako pinapaalis?" At hindi ako makasagot...
Sabi ko ihahatid ko siya sa labas. Pababa na sana kami ng hagdan, aba'y hindi makababa! Hilong-hilo sha. :( Naiiyak na ako nun... Alam ko dahil sa'kin kaya siya uminom. Inaalalayan ko siya, pero alam mo naman, pride, kaya na daw niya. Musta naman ang katagalan niya sa pagbaba? Ayaw kasi magpaalalay eh...
Nung nakababa na kami ng hagdan, nilalambing niya ako. Nilalaro niya kamay ko at nilalaro ko rin yung kamay niya... Tas nakatayo lang kami. Tas maya-maya nagpapahug na ulit. Tapos lumalayo na ako kasi ayokong gumawa ng kahit anong ikasasama lang namin pareho. Pero ayaw niya bitawan yung kamay ko, at niyapos niya ako. Tapos nagpakiss siya ulit... Ayoko sana, pero whattheheck? May tama naman na yung tao kaya malay mo malimutan lang niya. Kaya ayun. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Isa pa," sabi niya. Grabe, musta naman ang pagkalasing natin jan? Pero ayun, hinalikan ko siya ulit. Tapos sabi ko sa sarili ko "Pucha, Kitten, anung ginagawa mo?!" Kaya ayun, nilayo ko na ulit yung sarili ko sa kanya... Tapos sabi niya "Wag ka lumayo..." Inakap ko siya at sinabing "I love you and I'm sorry. I'm so sorry. I'm so sorry..."
Tapos aalis na sila at nagpahatid sa'kin. Ahoy. Ako naman si hatid. Tapos ayun, habang naglalakad kami sa labas, nilalaro niya ulit yung kamay ko tas nagpapahug ulit. Ayun, ako naman si hug. Tas muntik pa siyang dumirediretso dun sa parang slopey part kasi hilong-hilo nga siya. Ako naman si todo salo, dahil nga... May tama, at ako ang dahilan. :(
Tapos habang hinihintay namin yung taxi, hinawakan niya yung mukha ko and did the unthinkable...
How can something so wrong feel so right?
Shit.
And how can one possibly keep on falling and never hit the bottom?
kitten posted @ 5:04 AM