The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Friday, July 15, 2005

<333

Bakit ganon?

Sabi ko tama na ang mga pag-iyak ko, pero kahapon pinaiyak mo na naman ako... Di kaya talagang bobo at iyakin lang ako?

Nung nagsosorry ka, ayoko kitang tingnan kasi tangina pinapatawad na kita sa pagsabi mo pa lang ng pangalan ko.

Buong klase nun, sinubukan kong di ka na isipin, pero hindi ko magawa. Ikaw na lang ng ikaw ang nasa isip ko. Hindi kasi ako makapaniwala na kahit nariyan ka lang, hindi parin kita maabot. Baka nga hinding-hindi kita maabot...

Nag-break at inalis ko ang isip ko sa iyo. Madali naman pala kapag wala ka sa tabi ko. Tapos ano? Sa classroom magugulat na lang ako na may biglang hahagkan sa'kin. Ipinatong mo pa ang ulo mo sa ulo ko at niyapos mo ako. Hindi mo lang alam, ang sarap ng pakiramdam nun. Sa maniwala ka't hindi, naramdaman ko lahat ng gusto mo sa'kin sabihin - Sorry, Thank you, ... wag na yung isa.

Nababaliw na siguro ako. Buti na lang may Ward 7 ang PGH. Kapag matagal akong hindi nagsulat, malamang nandun na ako.

Masaya ako kasi binigay sa'kin ni God yung one beautiful day na hinihingi ko. Huli na siguro yun, pero wala akong problema dun. Isa lang din naman kasi ang hinihingi ko. Isa lang at masayang-masaya na ako.

Natatakot lang ako... Mataas na naman ang nililipad ko. Masakit na naman ang pagbagsak...

Mahal na mahal kita. Sorry. Ako ang pahirap sa sitwasyon natin.

kitten posted @ 5:48 PM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats