The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Monday, December 24, 2007

Best Christmas Ever

*enter emo music*

Shet. Ang saya ng Christmas ko. Shet.

Okay. Hindi ko alam kung bakit ko tinawagan si Jayar, pero tinawagan ko siya out of nowhere. Tapos...
All the world stopped. Yun yun eh. Yung mundo tumigil and for an hour it was just him and me.

Miss na daw niya ako. Yehey. Tapos sabi niya sa'kin
"Hoy, magsimba ka. Ayaw ko yang mga pinagsasabi mo. Hindi ako natutuwa." So sabi ko naman "Sige na, sige na. Magsisimba ako bukas, Christmas Day, para sa'yo." Tapos sabi niya "Wag para sa'kin. Para sa kaniya." O diba. Ang drama. Tska, concerned ang mokong! Wala lang.

Tapos, ayun, ayun, nakausap ko si Kuya DJ tapos sabi ba naman
"Oh, ano ba meron sa inyo ni utol?" Yun. Yun ang tanong. Haha. Well, siyempre, showbiz kaya ang sagot ko "Wala. Nag-uusap lang kami." Pero ang panalo yung sagot niya na "Ah, nag-uusap lang kayo gaya ng dati."

Aysus. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Joke. Eeeh. Eto lang. Kung kinilig ako dahil yun sa kinilig siya. Kung masaya ako dahil yun sa masaya siya.

Pero sa lahat, eto ang panalo:

PUPUNTA SIYA DITO SA APRIL.

Haaay. Ang saya. Natutuwa ako. Masayang-masaya ako. Kahit na three-digit siguro yung bill ko next month. Wala akong pakialam. Haaay. Masaya ako kasi sabi niya tawagan ko daw siya ulit. Tska itext ko daw siya. Wala lang. Mag-iipon muna ako ng pantawag. Hehe. Mahal tumawag sa Pinas eh.

Haaay. Jayar. Pinasaya mo ang Pasko ko. SALAMAT.

Labels:


kitten posted @ 5:44 PM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats