The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Tuesday, May 23, 2006

at the library

Ayan. Andito ako sa library... pulubi kasi ako at walang sariling computer. :( Haha.

Kagagaling ko lang sa post office, minail ko ang aking dakilang transcript ng makapasok na ako ng paaralan... Nababato na rin kasi ako sa bahay. At shempre, gusto ko na magtrabaho ng makalayas na sa peste kong pamilya.
(They're not that bad, kaya lang minsan... eh... basta.)

So... bibili ako ng bagong cellphone. :D Kaya lang dahil pulubi ako, pangit pa ang mabibili kong telepono. Ginastos ko na kasi ang mga kinita ko nung nagtatrabaho pa ako. :D Nakakatawa at nakakainis. :D Pero something is ALWAYS better than nothing so... bibili ako ng bagong cellphone. :D

Speaking of cellphone, ang mahal na ng bill ko sa Globe. Palibhasa, tatlong bwan na akong di nagbabayad ng bill. Eh, compounded yung interest. Tuloy. 7 plus na ang bill ko at, dahil bibili ako ng cellphone, wala akong pambayad. Ninanag na nga ako ng nanay ko na bayaran pero
Vanity first. What's the point of being a girl when you can't be superficial once in a while? *wide grin*

*balik sa kwento mode* Birthday nung great aunt ko (anu ba sa tagalog yun?) nung sabado. At umarya nanaman ang pagkalampa ko. Sinisisi ko ang bwisit kong sapatos. Aktwali sa nanay ko yun. Eh basta. bwisit yung sapatos. Ganto kasi yun...

Dumating kami sa bahay nila sa super layong Union ng mga alas tres ng hapon. Juzmio, dinner party yun eh so hinahanap ko ang aking dakilang pinsan nang may magawa naman habang wala pang tao. Sabi nila andun daw sha sa taas so ako naman si akyat ng stairs na so many times ko ng inakyat. Pag dating ko sa taas tulog siya. Or nanunuod ng friends. Di ko alam. Basta nakasara yung kwarto niya at naririnig ko ang boses ni Phoebe at ni Ross. So bababa na ako dahil anung gagawin ko sa hallway diba. Pag dating sa stairs... *step* *step* *step* *slip* Dug-dug-dug. *holds on to the whatchamacallit* Ow! Masakit yun ah. Ang sakit ng pwet ko. Ang sakit ng likod ko. Ganun pala ang pakiramdam ng mahulog sa hagdan. First time ko. At ang sakit. :(

So... inabot na kami ng gabi... nagkwentuhan at lahat na at oras na para umuwi. Sasakay na ako ng kotse (actually, SUV sha. Wala lang... Pag sinabi kasing kotse diba parang sedan yung pumapasok na picture sa head? Wala lang...) tapos... *step* *slip* Dug. Ow. Masakit yun ah. Humampas yung tuhod ko dun sa thingy. Ow.


The next day, pinasa ang likod, pwet at tuhod ko. Ohlordy. Hirap maging tanga... :(

Hay. Okay lang... nakausap ko naman si Greg. :D kilala niyo pa ba si Greg? Eh basta. Ayun. Nagka-alone time kami nung sabado. Kaya masakit man ang likod, pwet at tuhod ko, worth it. Ang gwapo ni Greg. Lalo na kasi naka-suit sha.
*drools* I love it when guys are all dressed up. :D

*sigh* He's hot. And nice. And funny. :D We were talking about sucky pick up lines and I ask him what his favorite pick up line is and he goes Honey, I'm half-Filipino and half-Spanish, I don't need a damn pick up line. And he's right. He does't need one. :D

Ay! Alam niyo ba nung Friday merong nakatayo sa labas ng bahay namin na kalikod ni Jayar? Grabeh. Sobrang kinabahan ako. Kasi di sha umaalis. As in nakatayo lang siya sa may pinto namin. Di nagriring ng doorbell or whatever. Tiningnan nga ni Mommy, sabi niya, parang nga si Jayar. With the necklace and everything! So... Akala ko si Jayar na yun. Di. Pero... Kahit na alam kong hindi sha yun, bumilis parin yung tibok ng puso ko at nanlalamig yung mga kamay ko... Iba eh. Iba talaga... *blush* Pero di naman sha yun... Anu naman gagawin niya dito sa sucky Jersey City? :P

Ayan. Naubusan na ako ng kwento. At naubusan na rin ako ng time dito sa PC. Marami pang gagamit.
So. TTFN. :D

kitten posted @ 11:17 AM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats