The player only plays one song ONCE, and then you have to pick the next. Snaps for choices!
[Oh yeah, running of ActiveX controls required and apologies to non-IE users.]

Saturday, October 27, 2007

*heavy sigh*

Nagmamadali ako. Kelangan ko na kasi matulog at may pasok pa ako sa trabaho bukas ng super aga. Di naman ako makareklamo kay Nick kasi shempre bago ako... pero ayos lang. Masaya naman sa Hoboken eh.

Minessage ako ng ex ko sa Friendster. Okay. Ang pinaguusapan nating ex ay ang dakilang si Jayar. Potah, nawawala ako sa tama dahil minessage niya ako!!!

Isipin niyo naman, ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakakausap. As in totally wala. Kasi, alam mo yun, nag-aaway sila Mimi pag nag-uusap kami so huwag na lang, diba? Tapos di rin maiwasan na mailang kami sa isa't isa kasi, hello, mashadong magulo ang mga pangyayari... at inaamin ko na isa ako sa naging problema.

Anyhoo, nung nakita ko na minessage niya ako, ang first thought sa mind ko ay, BAKIT? Tipong, ANONG KELANGAN NIYA, PERA? Ang sama ko, diba? Pero mahigit kumulang nang dalawang taon ang lumipas mula nang huli ko siyang makasama at makausap ng maayos. Hindi ko maalis sa sarili ko na magtaka.

Nang buksan ko ang message niya, wala namang special. Nangungumusta lang. Hehe. Binati pa nga niya ang picture na nakalagay sa profile ko. So dahil nangungumusta lang siya, lalo akong nagdududa.

Masama na kung masama, pero pagkatapos ko magreply, ang unang-una kong ginawa ay nagpunta ako sa profile niya at tininingnan ang relationship status niya.

SINGLE.

Potah. Laking tuwa ko diba? Kasi ngayong wala na si Mimi sa eksena, magkakausap na kami ulit. Yehey.

Ayun. Wala lang. Sharing.

Naisip ko tuloy... Namiss ko siya.

Copyright infringement na kung copyright infringement, pero eto ang picture niya.

Jayar Palestroque :)

Labels:


kitten posted @ 12:10 AM

Navigate by clicking
[<3] for stuff about me
[links] for the links
[tag] for shout-outs
[stats] to see the stat counter

As we cannot do as we will, we will do as we can.

-Yugoslavian proverb
<3
links
tag
stats